Post(s) tagged with "thoughts"

Sound Like A Mistress

Gusto ko yung pakiramdam na ang lapit ko sayo. Yung yakap mo ko at binabantayan habang binabalik ko sa ayos ang nawasang kong sarili dala ng alak. Ito sana ang mga bagay na dapat tine-take for granted kaso andito na naman ang mala-Cinderellang orasan ng mga Nanay natin sa bahay na lagi na lang pinuputol ang mga labstory na akin sanang nabubuo. Nakakalungkot na kasabay ng paglalim ng gabi ay ang tungkulin ko bilang anak na umuwe sa bahay. Ugh, i just wanna cuddle with you all night! Wanna waste more time with you, too. Dahil di ko alam kung kelan ko ulit madadaya ang tadhana at makakautang ng isang magdamag kay Kupido na tatanga-tangang inireto ka sa iba.

Masyado mo lang ni-limitahan ang salitang PROBLEMA sa LOVELIFE kaya akala mo wala akong problema.

Luhhh. Oo, single ako pero tao rin naman ako at may sariling pinagdadaanan. Siguro makikita mo akong laging masaya at madaldal, pero sa likod nun, pero ano ba, kelangan mo din ilugar ang drama. Di sa lahat ng pagkakataon, dapat ipapakita mo sa lahat ng tao na malungkot ka. Di naman teleserye ang buhay mo na laging may lenteng nakaabang para kahabagan at paki-simpatyahan ng mga tao. May kwarto ka para isipin ang mga yan, higit sa lahat, may simbahan tayo para paglabasan mo ng bigat ng pakiramdam na nararamdaman mo dyan sa loob mo. Cheer up! Mas madameng bagay ang dapat ipagpasalamat at i-celebrate kesa mag-dwell dyan sa mga problema mo na lilipas din naman pagdating ng tamang panahon.

Source: mhdl

Ano kayang feeling na maging girlfriend nya?

  • Siguro daig ko pa ang mga Kastila dahil nasakop ko ang mundo ng taong mahal ko.
  • Siguro mas masaya pa ako kay Neil Armstrong dahil kahit sa SM lang ako naglalakad, kasama ko naman ang taong gusto ko.
  • Siguro mas maswerte pa ako sa jumackpot sa lotto, dahil walang katumbas na milyon ang pagmamahal nya sakin.
  • Siguro mas masaya pa ako kay Mikay, di man kamay ni Daniel Padilla yung hawak ko, di naman ako bibitawan ng taong ako ang piniling makasama.
  • Siguro masarap maging girlfriend nya.

Source: mhdl

Sabi nila dapat daw matuto tayong mag-intay sa mga bagay na gusto naten makuha. May kanya-kanya daw time frame yon. Hayaan daw na gampanan ng orasan ang konsepto ng pagkaimbento sakanya. Yun ang sabi nila.

Pero naniniwala pa din ako na minsan, mas tama na unahan mo ang mga bagay kung merong pagkakataon. Iintayin mo pa ba na dumating na lang sa harapan mo yon, kung pwede mo namang makuha agad? Magpapalamang ka pa ba kung abot kamay mo na? Mas uunahin mo pa bang panindigan ang “Be Patient.” mong motto sa slumbook mo nung hayskul? Wag mong intayin, magsisisi ka lang.

Source: mhdl

Palubag Loob sa Single

Yung mga classmates ko nung highschool may mga asawa at anak na. May ikakasal pa. Tume-trending sa pag-assemble ng pamilya! Samantalang ako, eto, nganga, walang lovelife! Tuga sa pinasok kong kurso pero onting push na lan, isa’t kalahating taon na lan, ga-graduate na ako! Di na din masama, db? Ganito magpalubag loob ang single, nakikisimpatya sa sarili. Haha. Good morning!

Natutunan ko na para mapakawalan ang isang tao, kelangan mo munang bitawan lahat ng bitterness na nararamdaman mo sakanya. Mas madali palang tanggapin ang mga bagay-bagay kapag naayos yung gusot sa pagitan nyung dalawa. Na kahit pa walang maganap na masinsinang usapan, sa simpleng nginitian at batian alam mo sa sarili mo na kaya mo ng palampasin yung sakit na dala ng taong minsang naging dahilan para mabasa ang unan mo. :))

Source: mhdl

israelmekaniko:

Kapag kulang ka sa tulog mahirap bumangon, pero kapag sobra ka naman sa tulog mahirap pa ring bumangon. Ang gulo no? Kahit sa pagtulog kailangan sakto pa din. Hindi pa din pala sapat yung kapag nagbigay ka ng sobra ay okay na. Kapag sobra sobra ang pagmamahal mo sa isang tao, madalas ikaw yung unang napapagod. Kase ibinibigay mo lahat. Kaya kapag dumating yung puntong kailangan mo na ulit magmahal, saka ka naman walang maibigay. Dahil ubos na. Dahil hindi ka nagtira. Dahil sinagad mo ng todo sa maling pagkakataon at minsan, sa maling tao. Wrong timing kumbaga. Yun lang yon.

Magkaiba ang tamad at bobo. Marunong sila, tamad lan talaga at asa na sa mga katabi nila sa exam. Pero minsan talaga mas madame pa silang alam, kumbaga, more on hands on kase ang mga ganitong uri ng tao. Hindi kagaya ng kadamihan sa matatalino na galing lang talaga sa books ang knowledge, hindi naman sa panlalahat, kadamihan lang. Kaya hintayin mo lan na mag-aral ang mga tamad, hindi ka nila bibiguin dahil kaya nilang pantayan ang mga honors sa klase.. And worst for the honor students, kaya nila na malagpasan ka pa.

Source: mhdl

Hanga ako sa mga boys na…

  • Sasamahan ang girlfriends nila na manuod ng mga love story na movies. Yung tipong John Lloyd-Bea movies. Alam mo yun, kahit hindi mo sila tanungin, sa loob ng mga yan, korning-korni sila! Pero tyina-tyaga nila dahil gusto nilang makasama yung mahal nila. 
  • Ibibili ka ng napkin sa tindahan! HAHA. Na-experience ko na kase yun! Pero friends lang kami nun! Anak-anakan ko nga yun ih. Nakakatuwa lang na ang dahilan nya nun e gusto nya daw na kumportable ako kesa mag-isip lagi kung may stain ba ako. Kaya inihatid pa nya ko sa girls cr para makapag-palit! Below the belt, pero sweet!
  • Kakantahan ka over the phone. Bago ko pa mapanuod ang scene ni Gino sa Princess And I, na-experiece ko na din ang kantahan over the phone. TABI by Paraluman yung song. Galing sa bestriend ko. Hanep lang makapagpa-kilig e! Magmumuka ka talagang tanga sa pag-ngiti habang nakakapit ang cellphone mo sa pisngi mo! Ayan naalala ko na naman siya. :”>
  • Kinakain pa yun lollipop na nasubo mo na. Uso yun sa room namen! Ang mag-agawan ng lollipop  Nanyare na yun samin nun crush ko na crush din ako, date. Basta! Gross pero sweet! Mukang baliw, pero nakakatuwa na hindi sila nadidiri sayo! HAHA. Syempre naman di ba! Kaya hindi kagulat-gulat kung uubusin din nila yung pagkain na hindi mo naubos sa lunch, yung tipong tira mo sa plato mo! Oh di ba, sukat na sukat ang pagmamahal nila! 
  • Nagpapalamang ng remote! Kelangan pa bang i-elaborate yun? Alam mo na yan, reader! HAHA. 
Ang ka-sweetan ng mga boys minsan naka-small package lang. Lumilitaw sa mga simpleng bagay at mga nakakabaliw na efforts. Nature yata talaga ng bawat boys ang katamisan sa katawan nila!

Source: mhdl

Naniniwala Lang Ako Sa SORRY Kapag Walang Kasamang DAHILAN.

Just say the word and that’s it. Mas kapani-paniwala at sincere pakinggan ang apologize na walang kadugtong na “dahil..” yung tipong inamin nya talaga yung mali nya. Parang pagsasabi ng “Mahal Kita”, nakakabola lang kapag maraming dahilan, pero sweet kapag walang explanation na parang whole package ng pagkatao mo ang nagustuhan nya, “indescribable” kumbaga. Word check! Haha! Kaya next time na magso-sorry, just say the magic word, no more, no less! 

Source: mhdl

| Maggie/Mhadel | Petroleum Engineering. | Red Cross volunteer. | Teresian. | Daddy's girl. | one of the boys. | follower < reader. | blogger < reader. |
 
Current Problem: Putting myself into words. Fvck this description box.
 
Image and video hosting by TinyPic
 
Daily dose of me? 24/7 ako dito:
mobile casino
 
You can also follow me on Instagram:
 
Instagram  
 
A dream to fulfill:
 
Image and video hosting by TinyPic
 
Watching:
Game of Thrones, Once Upon A Time, Modern Family, Arrow
 
Reading:
Fault in our Stars, Anne Frank Diary, Perks of Being a Wall Flower, GoT Sequel


You know what to do.. Submit

Ask