Tinola ni Lola.
Naranasan mo na bang iyakan ang pagkain? Yung tipong hindi scripted dahil nasa commercial ka ng Magic Sarap. Bukod pa sa paglalaway mo dahil nakabrace ka, sa pagtitiis dahil di pa lunchbreak o recess at bukod sa pagtitipid mo sa sarili mo kaya ok lang kahit nagrerebelde na ang mga kambal na alaga mo sa tiyan, may mas malalim ka pa bang rason dyan?
Paborito namin ng pinsan ko ang tinola ni lola. Pero ang masakit dun e yung malabo pa sa baha na makakatikim ulit kami nun o ng kung anumang luto nya dahil nasa taas na siya. Nung isang araw, nagrequest kami sa Tita na yun ang gawing hapunan namin ngayon, and guess what, siguro me ilang minuto kaming nakatunganga sa tinola na yun. Nagrereminisce. Antahimik lang namin, teary eyes na ko at anytime e iiyak na, mabuti na lang sinimulan na ng pinsan ko yun pagkain nya. Naramdaman nya yata ang kababawan ko. Grabe, OA nung scene pero ampness, miss na namin si Lola.
Source: mhdl



