RF: Takot ako sa pusa.
Isn’t it weird? Na sa dami ng pedeng katakutan sa mundo ay sa pusa ako takot. Kaya na din siguro ako pinagtatawanan ng mga baliw kong kabarkada, pero kinikilabutan talaga ako pag may pusa sa paligid ko. It scares the hell out of me! ( OA lang! Haha. )
Nun bata kasi ako, sinama ako ng Tatay ko dun sa ginagawa pa lang naming bahay. Bibisitahin daw namin. Tapos habang nakikipag-usap siya dun sa mga nag-gagawa, naglalaro naman ako dun sa isang tabi dun, ang likut-likot ko din naman at may nalalaman pa akong panunulay sa patung-patong na hollow blocks dun, antaas din nun, ha! Habang naglalaro ako dun, biglang may parang kabute na lang na dalawang pusa na sumulpot sa harapan ko na hindi ko maintindihan kung naghahabulan o aaway ba. Tapos papunta sila sakin, edi napatakbo ako, nagsala yun step ko sa hollow blocks tapos nahulog ako. Ayun na, ansakit! Tapos ligo na ako sa dugo, nagputok na pala ang ulo ko. The next thing I know, nasa ospital na ako, nahimatay daw ako nun ih. Tapos tinahi daw yung sugat, ilang stitches din daw yun. Hanggang ngayon nga kung kakapain mo yung parte ng ulo ko na yun, bukol pa e, dahil yata nun pagkatahi. Tapos nung HS ako, malimit akong absent nun kasi ansakit ng likod ko, sa bandang batok tapos nararamdaman ko yung tibok ng mga ugat sa ulo ko, nun nagpacheck-up ako sabi nung Doc ko complications pa din daw yun nung pagkahulog ko nun bata ako. May naipit daw akong ugat nun, tapos nagkakaron ng blockage sa passage ng dugo paakyat sa ulo kaya sumasakit yung batok ko. Basta, ilang taon din akong nagpabalik-balik sa ospital nun para sa mga check-ups, regular patient na ako ng Doc ko nun. Tapos binigyan nya pa ako lifetime med para dun.. which is nagsimula ako sa 250mg, naging 300mg, then 500mg at ngayon 750mg na yung tine-take ko.
At yun ang kwento ko. Kaya hindi rin naman siguro ako masisisi kung bakit takot ako sa pusa. Yun ba namang maligo sa dugo at halos tumira ako sa ospital dahil sa dalawang pusang yun, aw! Kaya ayaw na ayaw kong may lalapit na o aaligid-aligid na pusa sa tabi ko. Ikakamatay ko na talaga yun!
TRIVIA: And tawag pala sa fear of cats ay AILUROPHOBIA. (Thank you for the shared knowledge ng isa sa mga follower ko! Thanks, sis! Kilala mo na kung sino ka! HEHE. )
Source: buhaytamad










