Friday The Seventh
Nagising ako sa damba ng aso naming si Xha sakin. Nagulat nga ako at akala ko e kung ano yung pumatong sa likod, nakadapa kase akong matulog. (oh, libreng random fact, HAHA.) Dahil may pasok din naman ako, bumangon na ako, pinakain ko si Xha tapos naligo na at nagbihis ng civilian, sapalaran na lang kung papasukin ako ng guard, at… tenen! Ready ng pumasok. Pero nakita ko si Tumblr crush ko na OL, kaya ni-chat ko muna xa ng goodmorning at GL sa exam nya, at BOOM! Nagreply xa, sabi nya “THANKYOU, INGAT HA?”, kinikilig na ang talandi kaya pagtingin sa orasan, ta-tanghaliin na ko, kaya karipas na ako palabas ng bahay.
May 30mins ako para magbyahe papunta sa school. Sabi ko sa sarili ko, ayos toh kase sakto lang dating ko sa school. Sakay ako ng jeep. Leche, isang kanto pa lang mula samin natatakbo ng jeep, nakatigil na. Traffic congestion! Nakagamit pa ko ng wi-fi ng FilOil ng 10mins, ganun katagal kami nakatirik dun. Dahil naiinip na din sigurosi Manong Driver, sabi nya dun sa TDRO (MMDA kung sa Manila) na magpapabwelta na lang siya at dun sa kabilang ruta dadaan, sabi pa nya, male-late na kaming mga estudyanteng pasahero nya, concern din naman si Manong! Pero sagut netong naka-jejemon attire na traffic police e mag-intay na daw lang at yaan na kaming ma-late! Tungunu! Napatay na kita sa isip ko! Sayang ang maagang gising ko!
E di yun, nag-intay na nga lang kami, tapos nadaan naman sa pa-over-over take kaya nakarating din sa babaan ko. Isang pang byahe para makarating sa school. Biglang nakita ko yung mahabang pila nun mga nag-a-AlayLakad. Kaya naman pala traffic. Ang masama neto, matumal at punuan ang byaheng papunta sa school. 10mins na naman akong nag-intay bago makasakay ng bagong jeep! Lahat na yata ng pollution e nakuha ng katawan, agang-aga pa! Pambihira na! Tapos pagdating kong subdivision kung nasan yung school ko, wala namang tricycle pa-loob! Naghintay pa ko ng babalik na mga trike. Grabe, 30mins late na ko sa klase ko! Almost 1hour yung naging byahe ko!
And after 123,456,789 years, nakarating din ako sa tapat ng gate. Gaya ng sabi ko kanina, sapalaran pa kung papasukin ako ng guard, ambilis ko pumasok ng gate habang nakatalikod si Manong Guard, kulang na lang tumakbo ako! And success, nakapasok naman ako. Naglalakad na ako sa pathway, mabilis pa din kase nga late na ko baka napag-lock-an na ko ng pinto ng prof ko, Probab pa naman klase ko! Biglang nakasalubong ko naman si Prof Probab, at nginitian pa ako! Ayun pala, aalis siya at may pupuntahan tapos nag-iwan lang ng seatwork! Tapos after nun klase nya, uwian na din kami kase yung dalawang sumunod na klase e wala na daw pasok.
Anak ng tinapa! Dalas-dali ako para sa wala. Ansarap pumatay ng ipis! Nasan ngayon ang GOOD sa GOODmorning?!
Source: mhdl








