Kung gusto mong makilala ang tao, don’t go through his/her Inbox and Sent Items, but try to enter his/her Drafts.
mhdl:
Actually, that wasn’t my idea. Nakuha ko lang yan nung nag-backread ako sa isang friend ng cmate ko sa Wordpress. Angaling nya mag-blog, as in, nganga ako, I even put her link on my Home Screen para maituloy ko pagba-backread sa blog nya.
Goin back to the title, tama naman, may point nga naman siya. Wala sa inbox at sent items naten ang tunay na pagkatao naten. Nasa drafts siya. Yung mga messages na hindi natin si-nend dahil nagdadalawang isip tayo sa pwedeng mangyari pagnabasa nun receiver. Nadun din yung mga mini heart attacks-slash-feelings-slash-drama-slash-emo side naten na gusto nating i-voice out pero natatakot tayo. Makikita mo din dun yun mga ideas na biglang pumasok sa utak naten kapag nasa byahe tayo o kung anumang ginagawa naten tapos biglang naisip natin na i-blog. Those little details compiled on that small space of our mobile phones introduce each one’s real personality. Pero don’t dare na i-try mo sa iba yun, unless nagpaalam ka, you might invade their privacy.
After reading this, try mo pumunta sa Drafts mo at mag-reflect sa mga makikita mo. Just give it a try, malay mo may ma-realize ka sa sarili mo. It’ll be fun! :))



