“ABANADOR.”
September 16, 2012. After 123.456,789 years, nagreunion ulit kame. Yung last kase, nun 70th bday pa ni Lola, kase citizen na yun iba kong mga Tito at Tita at mga pinsan sa ibang bansa kaya bihira na ma-kumpleto kame. Kulang pa pala kami ng tatlo, yung 3 kong pinsan sa CA. Pero nakakatuwa lang na kahit wala na si Lola e siya pa din ang gumagawa ng paraan para mabuo yung pamilya namin.
Gumising ako ng 8:30 ng umaga kahit alam ko na 10am yung simba daw namen, para wala na akong kaagaw sa banyo. Alam ko kase na maaga sila mag-ayos, e ayoko naman na sumasabay ako sa kagulo nila. At nasisigurado ko naman na by 9:30 e ok an din ako, mabilis naman akong gumayak.
At soya, pagpatak ng 9:30, punta na nga kaming simbahan, Holy Trinity Parish, dito yun sa Batangas, yung simbahan na kapitbahay ng SM. Dalawang mahabang upuan yung ini0occupy namen! 24 kase kami. Haha. Apat na kotse nga kaming sunud-sunod e! Edi yun na nga, mass.. kinig-kinig din kay Father. After the mass, lunch na! Napagkasunduan na sa Club Yolanda daw kumaen, though hindi naman yun yung kakainan, kase, sa taas pa nun, sa Fred’s SeaFoods naman, mas kilala lang yung landmark ng Yolanda. Busog na busog sa kaen! Tapos nag-picturan after kumaen. Parang yun na ang naging pahulas namin e!
Ngayong araw na toh nga din pala kami nagkaron ng FIRST EVER FAMILY PICTURE ng pamilya ko, yung kami lang tatlo… ako, si Mama at Tatay. Kahit kasi malimit ako pagpasahin ng fampic nun HS, never pumayag si Mama na magpap-pic kase masama daw yun tatlo sa picture! Mga ka-echosan na sinusunod dahil wala naman daw mawawala. Nakakatuwa lan! At last, may FAMILY PICTURE na kami! Papa-developko yan ng malaki, pe-frame at lalagay sa living room! Joke! OA lang! HAHA.
Oh, edi tapos na ang kainan. Punta naman kame kay Lola sa Floral (cemetery yun.). Two weeks na din mula nun nawala sya. Ok naman na kami. Tanggap na ang mga nanyare. Dinalaw namen siya dun tapos nagdasal. Bonding pa din hanggang sementeryo at nung kumulimlim na e saka pa lan nagkayayaan na umuwe na.
Ansaya ko lang today! HAPPY! :))
Source: mhdl