Mga natutunan ko sa halos limang taon ko sa engineering:

apoakonisanta:

  • Kahit ano pang puyat ang pag-aaral mo, kung mahirap talaga magbigay ng exam, babagsak at babagsak ka pa rin sa exam.
  • Hindi mahalaga kung bagsak ka sa lahat ng mga exam mo, basta’t pasok ka sa removal exam may pag-asa pa!
  • Hindi sukatan ng talino ang score mo sa exam, sukatan na ito ng galing mong dumiskarte para makahanap ng tamang sagot.
  • Mas magaling pang magturo yung kaklase mo kaysa sa teacher mo.
  • Hindi ka made-depressed sa result ng exam mo dahil hindi ka nag-iisa, buong klase kayong magkakaramay. “Bagsak ako fren”, “Eh? Bagsak din ako fren” *apir*

Rebound.

Naranasan nyu na bang maging taga-sambot ng mga taong sinaktan ng mga kabarkada nyu? Yung tipong taga-comfy ka, yung no choice ka kundi damayan at maki-simpatya dun sa tao dahil kebigan mo yun nanakit sakanila? Medyo mahirap din, kase di mo naman masisiraan ang kebigan mo kahit pa alam mo ang mga saltik nila, at kahit pa yun ang makakapagpagaan ng pakiramdam ng taong sinaktan nila, hindi pwede. Bawal na may kampihan ka sakanila, dahil lalo lang silang magugulo kung paambuyan mo pa. E di mo din naman pwedeng iwanan na lang sila sa ere dahil ikaw ang napili nilang lapitan.

Kagaya ngayon, akong nahihimik na single dito, nakikipagsapakan sa thesis ay binigyan ng responsibilidad ng mga gago kong kabarkada. Sarap bigwasan tas tatawanan ka lan nila e. Anyways, ganito naman ang tunay na magkakaibigan. Parang pamilya na hindi matiis at kayang bitiwan na lan.

Project Study.

Yung tipong intro pa lang, nganga na agad. Panu ba naman ako sisipagin na mag-blog neto. Ang isa pa, di ko din alam kung anong sense ng pagpo-post dito kung sarili ko lang din naman ang may pake sa pinagta-type ko. Pero syempre, bilang naniniwala ako sa salitang “self-support”, kakapalan ko ang mukha ko at ipa-publish ko pa din tong sinabawang post ko na toh.

Ok, simulan ko na ang kwento. Huma-haba ang entrada e wala namang kwenta. Alam kong medyo malayo sa intro ko ang kwento ko, e ano ngayon, wala namang ibang magbabasa neto. Hina-hard ang sarili! So eto na nga:

Nung isang araw pa akong naghahanap ng topic para sa thesis namin, kasama ang ibiniyaya saken na dalawang tamad na ka-group, pero malakas naman sa diskarte. Bawi-bawi din pag may time. HAHA. Actually, wala akong problema sa katamaran nila, ok, meron pala, may problema ako kase kaming tatlo ay tamad. Aminado naman kami dun. San na lang kaya kami pupulutin neto. Pero on the bright side, ok at masaya ako na sila ang kasama, di naman kase ako humihiling ng matalinong ka-group, tama na sakin yung mga ka-level ko lang din para nagkakaunawaan kami at nagdadamayan sa oras ng katamaran. 

At eto, simula na ng kalbaryo ng pagiging isang graduating student, kahit di naman ga-graduate. Labing-lima ng topic ang naipasa namin, pero 1 out of 15 ang tanggap ng prof namin, at yun pang medyo imposible namin magawa. Oo, sinapalaran lang namin yun kasi ginipit nya kami na kelangan makapag-pasa at counted daw yun as prelim namen. Edi paganahin ang imagination, sino ba naman mag-aakala na tatanggapin at interesting pala yun. Kaya kahit pinagpapasa nya kami ng related literature ng nasabing topic e di kami nagbabalak na gumawa. Pano ba naman, yung raw material namin, iimport pa namin sa Canada, e baka tapos na ang sem na toh nasa barko pa yon papuntang Pilipinas! 

Hanggang sa mga oras na toh, nagta-topic searching pa din ako. Tinalo ko pa mag-soul searching si KC nun nakipag-break siya kay Piolo. Pate ang paghanap ko sa tunay na pag-ibig ko, inabanduna ko na makita lang ang naka-tadhanang topic para sa thesis na toh. Kaya utang na loob, kung nasan ka man, magpakita ka na. Nag-aabang sayo ang apat na kanto ng monitor ko, kaya pls, labas ka na. Nauubusan na ako ng oras, at kasipagan para ipagpatuloy ang kalokohan na toh. 

Sweet Granny

Isa ako sa mga apo dito sa mundong toh na laki sa lolo at lola. Pero di ko na isasama si Lolo sa kwento, kase ilang taon na din siyang nasa taas.

Si Lola… naaalala ko pa yung kabataan ko na lagi na lang nya akong sinesermunan, tipong akala mo lahat na lang ng ginawa ko mali. Siya lagi yung unang nagagalit kapag nadidinig nya ang bawat yabag sa patikar ko kasabay ang pumapalakat kong boses kapag naglalaro kami, daig ko pa daw kase mga lalaki kong pinsan. Ayaw nya din sa mga type kong music, kaya yung dvd, nabulok na ng di nagagamit. Siya din ang nagpauso ng curfew dito sa bahay, pate oras ng panunuod ng tv inorasan nya. Lumi-litaniya din yan kapag umaabsent ako sa pag-aalay ng bulaklak tuwing Mayo. Sabi ng mga kaibigan ko sweet daw siya kasi daw hinahabol nya ko kapag wala akong lagay na tuwalya sa likod. Dagdag mo pa ang maya’t mayang pagtawag nyan sa bahay na pinuntahan ko kapag gumagala ako para lan masigurado na andun ako. Pero ewan ko ba at dati e pakiramdam ko ay napapahiya ako kapag ginagawa nya yun. Basta, siya ang ideal na Pilipinong Lola na kontra-bida sa kwento ng mga bata.

Yan ang malimit na daloy ng kwento ko noon kapag usapang Lola. Pero sino nga ba namang mag-aakala na lahat ng inayawan at isinermon nya sakin noon ang bubuo sa isang mas maayos at presentableng Mhadel ngayon. Sino nga ba ang magsasabi na sadyang napaka-swerte ko at nabiyayaan ako ng sobrang maalagang Lola.

Bakit ko nga ba toh biglang naikwento? Umuwe kase ako dito sa bahay ngayon. Kwentong-kwento na ako sa Tatay ko ng Pacific Rim na kakapanuod ko pa lan. Gusto kong mag-istorya sakanya na may halo pang demo ng pakikipaglaban ng mga super giant na robot sa guma-Godzillang mga monsters! Pero pagkadating ko, pa-mano pa lang ako sa Lola ko, e niyakap na nya ko. Missed na missed na daw nya ko. Kinuwento pa sakin ni Mama na iniyakan daw ako ni Lola nun isang linggo na tinangkraso ako. Wala daw akong kasama tapos may sakit ako. Di daw nya ko mapagluto ng lugaw. Mabantayan sa gabi e alam nya pa naman daw na maarte at paawa ako pag may sakit.

Basta, dameng kwento. Kinikilig ako, e! Ang akala ko noon na masungit na Lola, sobrang pinapalambot ang puso ko ngayon. Nahawa ako sa pagka-emosyunal nya. Hanggang sa napaidlip na din ako sa tabi nya kasi di nya ako bitiwan. Nakalimutan ko na makipagyabangan sa Tatay. Sobrang sasabog lang ang puso ko ngayon sa saya. :))

8 Things It’s Time To Stop Waiting For

1. For someone to finally change their mind. You may be waiting forever. Figure out how to move on without them. If they come around, great. But if not, you’ll have a plan regardless.

2. For the day that someone will come along and you immediately “just know” that they are the one for you. That may happen, but more often, love doesn’t look like that.

3. For the day you are X pounds lighter, X pounds of muscle heavier, can fit into those jeans, have the body like so-and-so, etc. If you’re not good enough for yourself now you never will be.

4. For the day you make more money. It’s really about living within your means. Learn to do that at any salary, and you’ll be set. (Disclaimer: this does not apply to people suffering in poverty, etc.).

5. For the day that you really feel like everybody loves and appreciates you. If that day comes, it is only because you are delusional.

6. For someone who left you to take you back. I know it’s tremendously difficult but you need to stand tall and walk away and know that you are worth more than begging for someone who isn’t begging for you.

7. For the day you feel “happy:” whatever you think that will mean for you. The truth is that you have to learn to be content with how things are, and find your own happiness in your everyday life. Great things will come and go, terrible things will come and go, but how you handle them all will stay with you.

8. For your life to begin. It’s happening right now. You will always be waiting for the bigger and better if you don’t learn to love what you’ve got.

(c) Thought Catalog

Does teaching means talking or a lecture?

That’s how they teach you in school but that is not how life teaches you. Most of the time, life does not talk to you. It just sort of pushes you around. Each push is life saying, “Wake up, there’s something I want you to learn.

In school we learn that mistakes are bad, and we are punished for making them. Yet, if you look at the way humans are designed to learn, we learn by making mistakes. We learn to walk by falling down. If we never fell down, we would never walk.

- Rich Dad, Poor Dad by Robert T. Kiyosaki

What’s on her mind?

• Know your limitations, di sa lahat ng pagkakataon e dapat mong i-push ang isang tao, minsan konting pang-unawa ang kelangan. (Tanggapin nyung di ako sweet, wala yun sa nature ko at sadya din naman kasing di ako clingy.

• Walang ginawang panget dito sa mundo, maswerte ka kung nakalamang ka sa pisikal na itsura. Pero mas maswerte ka kung napagkalooban ka ng x-ray vision para makita ang tinatawag nilang inner beauty.

• Sa isang tunay na barkada, wala sa bokabularyo ang salitang “selos”. (Kaya nga wala na akong bestfriend e, ayokong may nagre-require ng atensyon ko.)

• Be sensitive enough to know when to stop. (Hindi ako manhid para dedmahin ang mga ginagawa mo, sinasadya ko lang hindi ka i-entertain para iwas gulo.)

• Isang tao lang naman ang hinahayaan kong hawakan ang kamay ko, kumportableng laruin ang muka ko, akbayan ako kung kahit nasan man kami at binibigyan ko ng pabalik na yakap, sana naman wag nyu kong sabihan ng malandi pagdating sakanya. Dahil sinasabi ko, kung may panglilimusan man ako ng atensyon, isang tao lang yun at siguradong di siya papalya sa pagsu-supply ng di mapawing ngiti sa labi ko na gusto nyu ding makita. Stick-to-one toh! Suportahan nyu na lan ako. :))

Gusto ko ng maligoy na usapan…

  • Yung tipong kelangan ko pang gamitin tong sumi-64GB kong utak para ma-analyze yung mga mabulaklak na linya mo. #MedyoIdiomaticAtNakakabalinguyngoy
  • Para na din magamit nyang nabulok na “question mark” dyan sa keyboard mo yung super powers nya para supplyan ako ng konting kilig, maparamdam man lang nya na gusto mo din akong kausap.
  • Nakaka-enjoy din yung one liner lang nating sagutan sa convo. Feeling ko ako si Anna Steele at ikaw si Christian Grey kapag ganun tayo e. Lume-lebel lang!
  • Pero mas gusto ko pa din yung naaabuso ko ang pagkakataon para maging “wo-man of few words” habang nobela yung mga linya mo. Para naman maramdaman mo kung ganu ako kalugi minsan pag nag-e-establish ako ng usapan sa pagitan nating dalawa.
  • At last, thankful ako na ganito pa lang kaaga, tina-trabaho mo na ang pagbuo sa araw ko. IMY. :))
“You have to kiss a lot of frogs before you find your prince.” 
― E.L. James, Fifty Shades of Grey

“You have to kiss a lot of frogs before you find your prince.”

― E.L. James, Fifty Shades of Grey