June 17, Monday.
Back To School.
Eto na naman ang mga araw na ipagdadamot sa bawat estudyante ang kapangyarihan para matulog at magpahinga. Kaya bilang isa sa mga tamad na kolehiyala, kelangang motivated ako pagpasok. Kaya naman merun akngo simpleng paraan para sipaging bumangon at kumilos…

And here comes may poging sked. Kulang pa ng dalawang subj at sana dun sila mapatapat sa mga bunging vacants ko para naman di ako ugatin sa inip sa pag-iintay ng susunod na klase.
Advantage: Dahil pogi at well-organized ang sked ko, less lates at bawas absents ako ngayong sem.
Disadvantage: Baka sa halip na bumangon ako ay pantasyahin ko na lang abs at V-line ni Channing Tatum.
At oo nga pala FIFTH YEAR na ako ngayong school year! Kahit pa Octoberian ako e excited pa din ako sa mga susunod na araw, lalo na sa OJT ko, sa sunod pa nga lang na pers sem yon. Pero mabilis na yun, alam kong saglit lan at lilipas na tong taong toh at maya-maya e 2014 na at ga-graduate na din ako at gagawing proud ang mga taong nakapaligid sakin, masusuportahan ang pamilya ko, mabibili ang mga gadgets na gusto ko, manunuod ng concert ng mga paborito kong banda, bibili ng madaming sapatos, mag-aampon ng aso, mag-iipon ng pang-kotse at bagong bahay, maghahanap ng asawa. Chot. Haha. Dame agad nasabi. Basta, sa ngayon, ay good morning muna at tayo ay bumangon na para simulan ang araw na toh.

At tada! My morning face, fresh from bed. lol. Kunware may ganap sa post na toh yang pic. Mai-segway lan. Haha.
Source: mhdl






